January 22, 2025

Home BALITA

May kasunod pa: VP Sara, susulat ng aklat tungkol sa taksil na kaibigan

May kasunod pa: VP Sara, susulat ng aklat tungkol sa taksil na kaibigan
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Sinabi mismo ni Vice President Sara Duterte na dapat abangan ng lahat ang isa pa niyang isusulat na aklat patungkol naman sa isang taksil o traydor na kaibigan.

"Abangan ninyo ang susunod kong isusulat na libro tungkol sa pagtataksil ng isang kaibigan," nakasaad sa huling talata ng opisyal na pahayag ng pangalawang pangulo, kaugnay sa isyung plagiarism.

Sa naturang pahayag, ipinaliwanag din ni Duterte na hindi niya kinopya ang aklat sa children's book na "Owly," gaya ng alegasyon ng mga netizen, dahil umano sa pagkakahawig nito.

"Mga kababayan, Napakadaling sumulat ng maikling kuwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kuwento."

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan," giit pa ng pangalawang pangulo.

MAKI-BALITA: Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya

Ang aklat-pambata ni Duterte ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng iringan ni Sen. Risa Hontiveros, sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado noong Agosto 20.

AKI-BALITA: VP Sara, Sen. Risa nagkairingan; hindi maintindihan ugali ng isa't isa