“Claim mo na agad, Your Honor!”
Matapos isiwalat ni Senador Risa Hontiveros noong Lunes, Agosto 19, na nakaalis na ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ilang mga restaurant ang naghihintay sa kaniyang pagbalik para ma-claim na raw nito ang ino-offer nilang libreng food and drinks.
Narito ang mga restaurant na nag-aalok ng “free foods” at “free drinks” kay Guo kapag nakauwi na raw ito ng Pilipinas:
Default Cafe Pub – Free drinks
Brothers Burger – Free duo meal
Coop's Boneless Chicken – FREE Unlimited Boneless Chicken for 1 full year
Kasama sa inaalukan ng restaurant si Pastor Apollo Quiboloy na pinaghahanap din ng mga awtoridad at nahaharap ngayon sa mga kasong tulad ng human trafficking at child abuse.
Don Isabelo Cakes – Free premium cake and drinks
Food Politics – Free burger
CJ's FoodVenture – Free drink and mini donut
El Patron Walastik Pares Las Piñas – Free bowl of El Patron
Hagemu Sushi and Ramen Bar Calasiao – Lifetime free ramen at free Hagemu Restaurant franchise
Bale Matwa Cafe – Free unlimited food and coffee
Alpha Bistro – Free bilao overload
Matatandaang idinadawit si Guo sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.
Bukod dito, pinagsususpetsahang din si Guo na isa umanong Chinese national, kung saan isiwalat ni Hontiveros kamakailan na kinumpirma na ng NBI na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”
MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros
Nito lamang namang Lunes nang isiwalat ni Hontiveros na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros
Samantala, nitong Huwebes, Agosto 22, nang ianunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nabalitaan niya sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 21, ang pagkahuli sa dalawang kasama ni Guo.
MAKI-BALITA: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office
Kasama raw sa dalawang nahuli ay ang kapatid ni Guo na si Sheila Guo.
MAKI-BALITA: Kapatid ni Alice Guo, kasama sa 2 nahuli sa Indonesia
Kaugnay nito, naglabas ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng ebidensyang namataan si Guo sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia noong Hulyo 21, 2024.
MAKI-BALITA: 'May ebidensya!' Alice Guo, namataan sa Kuala Lumpur airport noong Hulyo -- PAOCC