January 22, 2025

Home BALITA

Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya

Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)/FB)

Naglabas ng opisyal na pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa ibinabatong mga isyung kinopya lamang sa isang banyagang children's book ang kaniyang kuwentong pambatang "Isang Kaibigan" na pinagmulan ng kontrobersiya matapos nilang magkasagutan ni Sen. Risa Hontiveros, sa isinagawang senate budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP).

Mababasa sa opisyal na pahayag ni Duterte na hindi siya nagsagawa ng plagiarism o pangongopya sa gawa ng iba, dahil ang kuwento ay halaw raw sa kaniyang pansariling karanasan. Isa pa, ipinaliwanag ni Duterte

"Mga kababayan, Napakadaling sumulat ng maikling kuwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kuwento."

"Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan," giit pa ng pangalawang pangulo.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

PAHAYAG UKOL SA PANINIRANG PURI GAMIT ANG... - Inday Sara Duterte | Facebook

Sa dulo ng pahayag ay sinabi ni VP Sara na magsusulat pa siya ng isa pang aklat para naman sa taksil na kaibigan.

MAKI-BALITA: Sen. Risa, pinadalhan ng kopya ng librong pinag-awayan nila ni VP Sara

MAKI-BALITA: VP Sara, Sen. Risa nagkairingan; hindi maintindihan ugali ng isa't isa