Muling nakipagsabayan si World No. 3 Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa world champions matapos nitong pumangatlo sa katatapos pa lamang na Lausanne Leg ng Diamond League, Huwebes ng umaga sa Pilipinas, Agosto 22.
Tagumpay at walang sabit na natapos ni Obiena ang 5.82 meters, kapwa silang nagtapos sa ikatlong pwesto ni Sondre Guttormsen ng Norway at Kurtis Marschall ng Australia.
Samantala, nilampasan naman ni World No. 1 at Olympic gold medalist Mondo Duplantis ang sarili nitong record matapos mag-set ng bagong record, 6.15 meters. Ito ang bagong highest record niya matapos ang 6.10 meters makalipas ang dalawang taon.
Pumangalawa naman sa Lausanne Leg si Paris silver medalist Sam Kendricks na nagtala ng 5.92 meters.
Ito ang unang pagbabalik ni Obiena sa kompetisyon mula nang matapos ang 2024 Paris Olympic kung saan nagtapos siya sa ikaapat ng puwesto. Nakatakda naman siyang muling sumabak sa Silesia leg sa darating na Agosto 25.
Kate Garcia