November 22, 2024

Home BALITA

ALAMIN: Mpox variant na nasa bansa, hindi nga ba nakamamatay?

ALAMIN: Mpox variant na nasa bansa, hindi nga ba nakamamatay?
Photo courtesy: WHO

Kinumpirma ng Department of Health na mayroon ng 10 kaso ng Monkeypox virus sa bansa nito lamang Miyerkules, Agosto 21.

Kasunod ng naunang tala ng ahensya noong Agosto 19, iginiit ng kagawaran na hindi nakamamatay ang mpox variant na nasa Pilipinas na tinawag nilang mpox Clade II.

Ang mpox virus ay mayroong dalawang variant, ang Clade I at Clade II. Ayon sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases, lubhang mas mapaminsala ang Clade I kumpara sa Clade II. Dagdag nito ang Clade I ay ang virus na siyang puminsala at kumitil ng buhay sa Democratic Republic of Congo na nagtala ng 18,910 na kaso kung saan 541 ang namatay.

Samantala, ang kasalukuyang variant namang nasa bansa ay ang mild Clade II at hindi nagdudulot ng fatality rate. Bagaman ayon sa Centers for Disease and Control Prevention ang Clade II ay ang variant na kumalat noong 2022.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kaugnay nito, patuloy pa ring pinag-iingat ng DOH ang publiko sa karaniwang posibleng sintomas nito katulad na lamang ng pangangati, pagkakaroon ng paltos sa loob at labas na bahagi ng katawan at pananakit ng buong katawan.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga sintomas ng 'mpox' at mga dapat gawin para maiwasan ito

Kate Garcia