January 22, 2025

Home SPORTS

‘Tumira ng kuwatro, sokpa!’ Kilalanin tatlong PBA players na unang buminyag sa 4-point line

‘Tumira ng kuwatro, sokpa!’ Kilalanin tatlong PBA players na unang buminyag sa 4-point line
Photo courtesy: PBA

Nasubukan nga ang liksi at galing ng mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) nang opisyal na idagdag sa shooting parameters ang 27 feet na 4-point line na siyang sumalubong sa mainit na tapatan ng Meralco Bolts at Magnolia Hotshots sa Araneta Coliseum noong Linggo, Agosto 18.

Sa dikdikang laban ng Hotshots at Bolts kamakailan, nabinyagan ang 4-point line sa buong kasaysayan ng liga. Naunang nagpakawala si Chris Banchero na ngayon nga ay umani na rin ng pagkilala sa PBA community bilang unang 4-point shooter sa liga. Mistulang gumawa nga ng sarili niyang pangalan sa PBA si Chris na laging naibubuntot sa anino ng pinsang si Paolo Banchero ng Orlando Magic ng National Basketball Association (NBA).

Ngunit alam mo bang hindi si Banchero ang kaisa-isang basketball player na nakatira ng apat na puntos?

Sinundan din ito ng isa pang shooter ng Meralco na si 5 foot 9 shooting guard Jolo Mendoza na tumira ng kuwatro lagpas isang minuto bago magtapos ang second quarter at naitabla ang iskor, 39-39 sa 1st half. Sa muling pagkakataon ay pinatunayan ni Jolo kung bakit siya ang binansagang “ready sniper” ng liga.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi rin nagpahuli si Magnolia Hotshot star player Paul Lee na maagang tumira ng 4-point shots sa simula ng 4th quarter para maibaba sa 10 ang kalamangan ng Meralco 77-67. Hindi na nga nakakapagtaka na hindi nagpahuli si Lee sa 4-point shots dahil ilang beses na rin niya itong nagawa sa PBA All Star Competitions.

Mas lalo na ngang kaabang-abang ngayon ang 49th season lalo na’t naakantabay ang PBA fans kung sino-sino pang PBA stars ang sasama sa listahan ng 4-point shooters. Pinag-aaralan na rin nga ng PBA boards ang half-court range kung saan itatampok nito ang 5-point line.

Kate Garcia