September 12, 2024

Home BALITA Probinsya

Tinderang naniningil lang ng utang, pinagsasaksak

Tinderang naniningil lang ng utang, pinagsasaksak
photo courtesy: RMN Tacloban/FACEBOOK

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tindera sa Tacloban Public Market dahil lang sa paniningil ng utang sa kapwa vendor. 

Sa ulat ng RMN Tacloban, nangyari ang krimen nitong Miyerkules, Agosto 21. 

Kinilala ang biktima na si Lea, 47-anyos, residente ng Brgy. 99, Deit, Tacloban. Ang suspek naman na isa ring vendor ay kinilalang si alyas "MC" na residente ng Brgy. Buray, Paranas, Samar. 

Dagdag ng ulat, nag-away umano ang biktima at suspek dahil sa hindi pa nababayarang utang ng suspek. 

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Dahil dito, pinagsasaksak ni MC ng ilang beses sa dibdib si Lea na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Agad na tumakas si MC matapos ang pananaksak. Nagsasagawa na rin umano ng hot pursuit operation ang pulisya para madakip ang suspek at maharap sa kauukulang kaso.