January 22, 2025

Home BALITA

Remulla, tatalupan nagpatakas kay Guo: 'Heads will roll, all hell will break loose!'

Remulla, tatalupan nagpatakas kay Guo: 'Heads will roll, all hell will break loose!'
Photo courtesy: Department of Justice (DOJ)/via MB

Nangako si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla na hindi siya titigil hangga't hindi natutukoy kung sino ang nasa likod ng pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas, na napaulat na Hulyo pa lamang ay wala na raw sa bansa.

Ayon sa press release ng DOJ, papanagutin ni Remulla ang bawat indibidwal na mapatutunayang sangkot sa pag-alis ni Guo sa bansa, na una nang napaulat na nasa Malaysia, Singapore, at ang latest daw ay nasa Indonesia.

Inatasan din ni Boying si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na agarang maglabas ng report patungkol sa insidente. Matatandaang tiniyak ng BI na ang mga pangalang “Alice Guo at "Guo Hua Ping” ay parehong nasa Immigration Lookout Bulletin (ILBO), na nangangahulugang magiging mahigpit ang mga personnel sa pagbabantay kung sakaling may aalis ng bansa na nasa pangalang ito sa kanilang pasaporte.

Sa kasamaang-palad, nakaalis umano ng bansa si Alice kasama raw ang mga kapatid na sina Sheila at Wesley Guo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagbabanta ni Remulla sa BI, "“As civil servants, we have sworn to the country our unwavering integrity, transparency and accountability in all our actions and decisions. Hence, I am issuing this final warning against erring BI personnel who may have had a participation in the escape of Guo despite strict restrictions imposed by our government, it’s either you come out and unveil the truth or wait until I personally get to the bottom of this where heads will roll and all hell will break loose."

“In addition, we will also delve into the possibility that the camp or legal counsels of the embattled ex-mayor may have had a hand in her slippery exit from the Philippines so let me reiterate that as much as lawyers have an obligation to protect the interests of their clients, they also have a broader responsibility to uphold the Rule of Law and safeguard public interest,” dagdag pa niya.

(1) Boying Remulla | Facebook

Maging si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ay nagbanta rin sa sinomang nasa likod ng pagpapatakas kay Guo.

"The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust," aniya sa pahayag na nakapost sa kaniyang social media nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 20.

"Let me be clear: Heads will roll," pagdidiin pa ng pangulo.

"We will expose the culprits who have betrayed the people's trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law."

"There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice," dagdag pa ng pangulo.

MAKI-BALITA: Lagot! PBBM sa pagtakas ni Alice Guo, 'Heads will roll!'