January 05, 2025

Home BALITA National

Mga motoristang walang RFID stickers o walang sapat na RFID loads, pagmumultahin na

Mga motoristang walang RFID stickers o walang sapat na RFID loads, pagmumultahin na
MB photo by Juan Carlo de Vela

Inanunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na pagmumultahin na nila ang mga motoristang walang RFID stickers o walang sapat na RFID load sa pagpasok sa mga toll gates sa expressways.

Magsisimula raw ito ngayong Agosto 31, 2024. 

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz, ito ay bilang paghahanda sa pinaplano nilang transition sa cashless transactions, na target umano nilang masimulan sa Oktubre ng taong ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng TRB na ang kanilang Joint Memorandum Circular No. 2024-001 sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) hinggil dito ay nilagdaan noong Agosto 1.

National

Pagtaas ng singil ng SSS, 'New Year's resolution na pahirap sa mga Pilipino'—Brosas

Tinukoy anila sa naturang memo na ang mga motorista ay dapat nang mag-aplay ng electronic toll collection device gaya ng RFID tag, na ilalagay sa kanilang mga sasakyan, at tiyaking ang kanilang accounts ay may sapat na load o balanse upang bayaran ang kanilang toll fees.

Anang TRB, ang mga motoristang papasok ng tollway ng walang RFID sticker ay pagmumultahin ng P1,000 para sa unang paglabag; P2,000 para sa ikalawang paglabag; at P5,000 para sa mga susunod pang paglabag.

Samantala, ang mga motorista namang walang sapat na load balance sa kanilang RFIDs ay pagmumultahin ng P500 para sa unang paglabag; P1,000 para sa ikalawang paglabag at P2,500 para sa mga susunod pang paglabag.

Anang TRB, layunin ng memo na mapaghusay pa ang daloy ng trapiko sa mga toll plaza upang matulungan ang mga motorista na makatipid ng oras, pera at resources.

Sinabi pa ng TRB na iilan lamang o nasa 9%, ang mga motoristang wala pa ring RFIDs o walang sapat na load balance, habang 91% naman ng mga ito ay compliant na dito.

Paglilinaw naman ni Corpuz, papayagan pa ring dumaan ang mga motoristang walang RFID tags o walang sapat na load ngunit kung may marshal na aniya doon o deputized traffic enforcer ay kaagad na itong iisyuhan ng show cause order (SCO) at aalamin kung maari siyang mabigyan ng pagkakataon na i-refute ang kanyang violation.

“…so puwede pa naman po kaya lang he might be issued a citation ticket or yung SCO,” aniya pa.