January 23, 2025

Home BALITA Eleksyon

‘Mangingisda naman!’ Vice Chairperson ng PAMALAKAYA tatakbong senador

‘Mangingisda naman!’ Vice Chairperson ng PAMALAKAYA tatakbong senador
photo courtesy: Ronnel Arambulo/FB

Matapang na inihayag ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo ang kanyang interes na tumakbo sa 2025 National and Local Elections sa Navotas City kamakailan.

Nakatakdang tumakbo si Arambulo sa ilalim ng MAKABAYAN Bloc. 

Ayon sa kanya, panahon na para magkaroon ng kinatawan sa Senado ang hanay ng mga mangingisda. Ilan umano sa mga nais niyang tugunan ay ang kawalan nila ng kalayaang makapalaot sa West Philippine Sea dulot ng tumitinding presensya ng Chinese Coast Guard.

Samantala maraming netizens ang naantig sa kanyang katapangan at interes.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

“Sana marami pang mamamayan na itataas ang bandera ng mga hindi matunog na pangalan”

“Mangingisda naman!!!”

“Mabuhay, at maraming salamat po”

“Lets go tatay!!!”

“MY SENATOR”

“Taak kamaong pagpupugay! Mangigisda naman”

Si Arambulo ang ikalimang kandidato sa ilalim ng Makabayan, kasunod ng proklamasyon nina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno at dating anti-poverty czar Liza Maza.