January 23, 2025

Home BALITA National

Luke Espiritu sa law enforcement ng Pilipinas: 'Duwag laban sa mga makakapangyarihan'

Luke Espiritu sa law enforcement ng Pilipinas: 'Duwag laban sa mga makakapangyarihan'
Photo Courtesy: Luke Espiritu (FB), via MB

Tila naghayag ng pagkadismaya ang dating senatorial candidate na si Atty. Luke Espiritu sa law enforcement ng Pilipinas matapos maiulat na nakaalis na umano ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa Facebook post kasi ni Espiritu nitong Lunes, Agosto 20, inisa-isa niya ang mga personalidad na bagama’t may atraso sa batas ng Pilipinas ay nakalipad sa kabilang ibayo.

“Malaking perwisyo ang dulot nina Alice Guo, Arnolfo Teves, at Apollo Quiboloy sa ating bayan. Pero mas malaki ang perwisyong dinudulot ng mga PROTEKTOR ng mga POGO, mga warlord, at mga kultong ito,” pahayag ni Espiritu.

“Pagkayabang-yabang ng ating law enforcement laban sa mga maralitang mamamayan pero duwag laban sa mga makakapangyarihan. Mga snatcher lang sa Quiapo ang kaya nilang arestuhin,” aniya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Dagdag pa ng abogado: “Kailangan natin ng isang gobyernong MATAPANG sa pagsasawata sa abuso ng mga naghahari-harian. Gobyerno ito ng masa, hindi ng mga duwag na gaya nina Duterte at Marcos.”

Kaya naman hindi nakapagtataka na mahihirapan umanong arestuhin ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kung sakali man daw na dumating ang arrest order ng International Criminal Court (ICC) para sa mga Duterte.

BASAHIN: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros