December 23, 2024

Home BALITA National

LP sa Ninoy Aquino Day: 'Recommit ourselves to the values he embodied'

LP sa Ninoy Aquino Day: 'Recommit ourselves to the values he embodied'
Photo Courtesy: Liberal Party of the Philippines, Ninoy and Cory Aquino Foundation (FB)

Naglabas ng pahayag ang Liberal Party of the Philippines (LP) kaugnay sa paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. 

Sa Facebook post ng LP nitong Miyerkules, Agosto 21, sinabi nila na kinakailangan umanong mag-commit muli ang bawat isa sa values na nakapaloob sa pagkatao ni Ninoy.

“In honoring Ninoy’s memory, we must recommit ourselves to the values he embodied: bravery, selflessness, and a relentless pursuit of justice. His life and sacrifice serve as a beacon for the leadership our country so desperately needs, now more than ever,” pahayag nila.

Dagdag pa nila: “Efforts to dilute our people's memory of Ninoy are tantamount to another assassination—an attack not only on his legacy but also on the truth and the principles that define true leadership in our nation.”

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Bagama’t Agosto 21 nang paslangin si Ninoy, inilipat ngayong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. patungo sa Agosto 23, ang Ninoy Aquino Day alinsunod sa Proclamation No. 665.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang pamilya Aquino hinggil sa ginawang paglilipat na ito ng pangulo sa araw ng anibersaryo ng kamatayan ng dating senador.

MAKI-BALITA: Pamilya Aquino, nagsalita matapos ilipat sa ibang araw ang Ninoy Aquino Day