December 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections
Photo Courtesy: Screenshot from Chavit Singson (FB)

Inanunsiyo ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang kaniyang kandidatura bilang senador sa darating na 2025 midterm elections.

Sa Facebook post ni Singson nitong Miyerkules, Agosto 21, matutunghayan ang kaniyang talumpati kung saan niya ianunsiyo ang kaniyang pagkandidato.

Ayon sa kaniya, isang karangalan umano na iendorso ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya rito.

“Sabi ko, it’s an honor to be endorsed by President Rodrigo ‘Digong’ Duterte. Laking pasalamat ko dahil hindi siya nakalimot. At inisip ko ‘yon, magpaalam muna ako sa mga pamilya ko,” saad ni Singson.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Dagdag pa niya: “So, dahil sa binigay n’yong ito, this is my first time to confirm na tatakbo na akong senador with your support.”

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naghayag si Singson ng pwesto sa Senado. Noong 2007 ay sinubukan na rin niyang tumakbo sa nasabing posisyon para labanan umano ang pamilya ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.