December 23, 2024

Home BALITA

Pagkupkop ng Manila Zoo kay 'Baby Isla,' umani ng reaksiyon sa netizens

Pagkupkop ng Manila Zoo kay 'Baby Isla,' umani ng reaksiyon sa netizens
Photo courtesy: Manila Zoo (FB)

Hati ang mga naging reaksyon ng netizens sa anunsyo ng Manila Zoo tungkol sa pagkupkop nila kay Baby Isla, isang baby lion na donasyon ng Manila Achievers Lions Club, District 301-A3.

Bagamat hindi pa hahayang mabisita ng publiko, tila marami na ang hindi natuwa at nagbigay ng samu’t saring komento sa Facebook page ng Manila Zoo. Marami ang nagsasabing hindi raw maituturing na pagkalinga sa mga hayop na kulungin lang at ilayo ito sa mismong tahanan para gawing eksibisyon.

Iginiit pa ng maraming netizens na pakawalan at ibalik sa natural habitat ang lion cub na Matutulad lang din daw ito kay Mali na tumanda at pumanaw na lang sa loob ng kulungan. Ang pagkamatay ni Mali bilang kaisa-isang elepante sa Pilipinas ay inulan din ng panawagan mula sa mga Animal rights advocate.

Narito ang ilan sa mga sentimyento ng netizens:

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“She will live in a cage, congrats Manila Zoo for imprisoning an innocent animal. Now I realize what Zoos are for.”

“The beginning of lifetime imprisonment”

“Nurtured and strengthened?” You took the cub away from its mother and natural habitat.”

“The most lonely lion on Earth”

“Imagine being imprisoned in your whole life”

Habang ilan netizens pa rin naman ang nagpahayag ng suporta at ikinatuwa ang pagdagdag ni Baby Lima sa mga atraksyon sa Zoo. Ang ilan sa kanila sinabing sana ay maghihintay daw hanggang sa makita na nila si Baby Lima. Suportado rin nila si Manila Mayor Honey Lacuna at nagpasalamat pagpapabuti umano ng naturang zoo.

“Excited to see Isla grow under the loving care of the Manila Zoo team! Thank you, Mayor Honey”

“Isla will surely become a beloved member of the Manila community, thanks to Mayor Honey!”

“As long as Isla is nurtured, raised, taken care of, and loved.”

“Welcome to our neighbourhood, Isla!”

“Isla is a perfect symbol of the vibrant Manila we all love, thanks to Mayor Honey!”

Ilang netizens din ang nangangambang baka matulad lang daw sa male white lion na si King sa Baluarte Zoo si Baby Isla.

Matatandaang nag-trending ang sinapit ng leon sa Baluarte Zoo kung saan nakuhanang sinisipa ng caretaker nito si King para sa litrato ng mga bisita. Ang nag-viral na video ay pinalagan ng grupong Animal Kingdom Foundation kung saan agad na ipinanawagan ang tamang pangangalaga sa mga zoo animals at pagkontra nito sa umano’y animal cruelty.

Samantala, bilang agarang tugon ng pamunuan ng nasabing zoo, naglabas ito ng opisyal na pahayag tungkol sa pagkakasisante ng caretaker na nanipa kay King. Ipinabatid din ng Baluarte Zoo ang paghingi nila ng paumanhin sa umano'y kanilang kapabayaan sa mga hayop na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

MAKI-BALITA: Caretaker na 'naninipa' ng leon sa Baluarte Zoo, sinipa na sa trabaho

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Manila Zoo o maging si Manila City Mayor Lacuna patungkol sa isyu

Kate Garcia