Nasira ang mahigit ₱91 milyong flood mitigation project sa riverbank sa Brgy. Candating sa Arayat, Pampanga nitong weekend.
Sa ulat ng News5, inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na marahil ay lumambot umano ang lupa dahil sa malakas na pressure sa ilalim ng ilog.
Ayon pa sa mga awtoridad sa ulat naman ng GMA News, posible umanong ang patuloy na pag-ulan sa lugar dala ng southwest monsoon o habagat ang naging dahilan kaya’t tuluyang bumigay ang lupa.
Wala naman umanong nasugatan dahil sa insidente ngunit mahigit 20 pamilya raw ang lumikas.
Noong Marso 2024 umano sinimulan ang naturang flood mitigation facility project ng DPWH at inaasahan itong matatapos sa Nobyembre 2024.