November 25, 2024

Home FEATURES

'Mala-Carlos Yulo?' Alice Guo, inalukan ng 'free drinks' ng cafe bar para magpakita na

'Mala-Carlos Yulo?' Alice Guo, inalukan ng 'free drinks' ng cafe bar para magpakita na
Courtesy: Default Cafe Pub/FB

“Uwi ka na. Claim it.”

Tila mala-two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo umano si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang alukan siya ng isang cafe bar ng “free drinks” para huwag nang magtago at magpakita na.

Sa isang Facebook post, makikita ang pag-offer ng “Default Cafe Pub” kay Guo ng libreng drinks sa kanilang cafe bar na matatagpuan sa 1844 Pilar Hidalgo Lim, Taft o Dela Rosa Car Park 1, Legazpi.

“Free drinks for Alice Guo. Uwi ka na. Claim it at Default,” anang cafe bar sa kanilang post.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“[U]nli na din para dun sa nagtatago sa south... baka gusto mo…” hirit pa nito sa caption.

Hirit ng netizens, ang naturang post ng Default Cafe Pub ay tila hawig daw ng mga natanggap ng regalo ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, tulad ng lifetime unli buffet at free food & drinks.

Habang isinusulat ito’y umabot na sa mahigit 11,000 reactions, 71 comments, at 1,000 shares ang naturang post ng Default Cafe Pub.

Ang naturang post ng cafe bar ay nangyari matapos isapubliko ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes, Agosto 19, na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Samantala, iginiit ni Atty. Stephen David, abogado ng tinanggal na alkalde, na nasa Pilipinas pa rin daw talaga ito.

"Assurance naman niya sa akin nandito naman siya,” ani David.

MAKI-BALITA: 'NASAAN BA TALAGA?' Alice Guo, nasa Pilipinas pa rin

Base naman sa pahayag ng Bureau of Immigration (BI), maaaring nakalabas talaga ng bansa si Guo ngunit sa pamamagitan umano ng “ilegal” na paraan at hindi dumaan sa kinakailangang proseso ng Philippine immigration authorities.

Idinadawit si Guo sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.

Bukod dito, pinagsususpetsahang din siyang isang Chinese national, kung saan isiniwalat ni Hontiveros kamakailan na kinumpirma na ng NBI na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Noon lamang namang Agosto 13 nang mag-isyu ang Ombudsman ng dismissal kay Guo sa serbisyo matapos itong hatulang “guilty” ng grave misconduct.

MAKI-BALITA: Alice Guo, tinanggal na sa pagiging mayor ng Bamban, Tarlac