December 22, 2024

Home BALITA

'Home of the UAAP': UAAP Arena nakatakdang buksan para sa season 90

<b>'Home of the UAAP': UAAP Arena nakatakdang buksan para sa season 90</b>
photo. courtesy: The UAAP

Selyado na ang kasunduan sa pagitan University Athletics Association of the Philippines (UAAP) at Akari na maitayo ang kauna-unahang UAAP Arena matapos nilang pirmahan ang Memorandum of Agreement sa UP Diliman nitong Martes ng Umaga, Agosto 20.

Tinatayang 6,000 seating capacity ang kaya nitong maakupa na nakatakdang itayo sa Bridgetown, Pasig City at inaasahang matatapos sa 2027. 

Ayon sa UAAP Arena architect na ASYA, hindi lang daw ito magiging limitado sa volleyball at basketball at bukas din ito para sa iba pang indoor sports events mula sa iba’t ibang liga katulad ng PVL, NCAA, PBA at iba pa.

Kate Garcia

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho