January 22, 2025

Home SPORTS

Bakbakang Yulo! Kapatid ni Carlos Yulo na si Elaiza, makakalaban niya sa SEAG?

Bakbakang Yulo! Kapatid ni Carlos Yulo na si Elaiza, makakalaban niya sa SEAG?
Photo courtesy: Adidas via Carlos Yulo (IG)/via MB

Posibleng magkaharap ang magkapatid na two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at kaniyang kapatid na babaeng si Elaiza Yulo, hindi sa kanilang family reunion, kundi sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand na magaganap sa 2025.

Sa ulat ni Mark Rey Montejo ng Manila Bulletin, nasasabik na raw ang Palarong Pambansa multi-medalist sa posibilidad na makaharap ang kuya, sa pamamagitan ng paglahok muna sa regional meet at maki-team up sa Olympians na sina Aleah Finnegan, Levi Jung-Ruivivar at Emma Malabuyo, sa pamamagitan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na nagdala rin kay Caloy sa ganitong sports, dahil na rin sa kaniyang lolong si Rodrigo Frisco na dinadala at sinasanay siya rito noong bata pa lamang siya.

Dahil sa ipinakita nilang gilas sa local at international competitions, nagkaroon ng spot sa national team si Elaiza gayundin ang isa pang kuyang si Karl Eldrew.

“Nakaka-excite pero medyo nakakakaba rin po,” saad ni Elaiza sa panayam.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Kasi parang pagpasok ko palang ng senior, SEA Games na po agad kaya nakakakaba din po.”

At kung magtutuloy-tuloy ang kapalaran, posible ring magtapat ang magkakapatid sa 2028 Los Angeles Games.

Kamakailan lamang, ibinida ng kanilang inang si Angelica Yulo ang regalo nina Elaiza at Eldrew sa kaniya.

MAKI-BALITA: Sey mo Caloy? Angelica Yulo, ibinida mga regalo sa kaniya ng mga anak

Si Carlos naman, nabanggit sa isang panayam na nagbabalik pa ring sumali sa susunod na Olympics kaya maghahanda na siya.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, planong mag-uwi ulit ng medalya sa Olympics 2028