December 23, 2024

Home FEATURES

ALAMIN: Mga sintomas ng 'mpox' at mga dapat gawin para maiwasan ito

ALAMIN: Mga sintomas ng 'mpox' at mga dapat gawin para maiwasan ito
(Mark Cabalang/Balita)

Nito lamang Lunes, Agosto 19, nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na naitala nito ang isang bagong kaso ng mpox (monkeypox) sa Pilipinas. 

Sa isang advisory, inihayag ng DOH na ang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas ay isang 33-anyos na lalaking Pilipino na walang travel history sa labas ng bansa, ngunit mayroon umanong “close, intimate contact” tatlong linggo bago lumabas ang sintomas nito.

MAKI-BALITA: DOH, kinumpirma bagong kaso ng mpox sa 'Pinas

Ngunit, ano nga ba ang mpox? Ano ang mga sintomas ng sakit at ano ang mga dapat gawin para makaiwas dito?

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Dating tinawag na monkeypox, ang mpox ay nasa parehong pamilya ng smallpox virus o bulutong. Nagdudulot ito ng mga sugat sa katawan, tulad ng paltos na nagiging pustules o malaking tagyawat.

Ayon sa DOH, maaaring makuha ang mpox virus sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Person-to-person transmission ng mpox sa pamamagitan ng direct contact sa balat o mucosal lesions (talking o breathing, kissing, touching, hugging o sexual intercourse, at/o sa pamamagitan ng respiratory secretions)

Indirect contact sa contaminated bedding, clothing o linens, o iba pang bagay

Narito naman ang mga sintomas ng mpox:

Skin rashes o mucosal lesions na may kasamang lagnat

Pamamaga ng lymph nodes o kulani at sore throat

Pananakit ng muscle at back pain

Pananakit ng ulo at mababang enerhiya

Upang makaiwas sa mpox, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na sundin ang mga sumusunod na health protocols:

Obserbahan ang respiratory etiquette tulad ng pagtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing 

Siguraduhing maayos ang daloy ng hangin sa tahanan o kung saan naroroon

Hugasan nang madalas ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based na hand sanitizer 

Iwasang magkaroon ng contact sa mga indibidwal na may mpox o nagpapakita ng mga sintomas ng impeksyon sa mpox

Ayon sa DOH, hanggang 10% ang “chance of death” pagdating sa mpox. Samantala, ibinahagi rin ng ahensya na lahat naman ng siyam na nagkaroon dati ng mpox sa bansa, bago ang naturang bagong kaso, ay na-isolate, naalagaan, at naka-recover.

Kamakailan lamang ay idineklara ng World Health Organization ang mpox bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC). 

Kaya naman, hinikayat ng DOH ang bawat isang protektahan ang kanilang mga sarili at pamilya laban sa sakit.