November 25, 2024

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar

4.3-magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang yumanig sa Eastern Samar dakong 11:00 ng umaga nitong Martes, Agosto 20.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 141 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Policarpo, Eastern Samar, na may lalim na 129 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.