November 25, 2024

Home BALITA National

VP Sara, 'expected' na ang umano'y planong pagpapatalsik sa kaniya ng Kamara

VP Sara, 'expected' na ang umano'y planong pagpapatalsik sa kaniya ng Kamara
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi na siya nasorpresa sa umano’y plano ng House of Representatives na patalsikin siya sa pwesto.

Sinabi ito ni Duterte sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Davao City noong Sabado, Agosto 17.

Ayon kay Duterte, naririnig nilang laging pinag-uusapan ng mga miyembro ng Kamara ang hinggil sa umano’y pagpapatalsik sa kaniya, kaya’t inaasahan na raw niya ito.

“That is expected. Lagi namang pinag-uusapan among members of the House of Representatives ang impeachment at naririnig naman namin lagi 'yun base sa mga sinasabi ng mga kaibigan doon sa loob,” ani Duterte.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“Expected na natin ‘yan dahil mainit nga ang politika ngayon dito sa ating bayan,” dagdag niya.

Samantala, nanawagan naman ang bise presidente na unahing tutukan ang mga problema ng bansa, tulad na lamang daw ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain at maging ng pagdami ng bilang ng mga naghihirap.

“Inuulit ko, sana ay hindi madala ang ating mga kababayan sa ingay ng politika kundi dapat tutukan talaga natin 'yung totoong problema ng ating bayan,” ani Duterte.

“Problema talaga natin ngayon, unang una masyadong mahal ‘yung pagkain at saka lumalaki 'yung segment ng population natin na mga naghihirap,” saad pa niya.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang tugon o reaksyon ang Kamara hinggil sa naturang pahayag ng bise presidente.