September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Parang MAJOHA?' Sagot ni Sheena kung sino nanay nina Crispin, Basilio ng Noli Me Tangere, usap-usapan

'Parang MAJOHA?' Sagot ni Sheena kung sino nanay nina Crispin, Basilio ng Noli Me Tangere, usap-usapan
Photo courtesy: Screenshots from Rainbow Rumble (FB)

Malapit na ang paggunita sa Araw ng mga Bayani o National Heroes Day na papatak ng Lunes, Agosto 26.

Speaking of bayani, usap-usapan ng mga netizen ang naging sagot ng singer-actress na si Sheena Belarmino sa game show na "Rainbow Rumble" hosted by Luis Manzano sa ABS-CBN, tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Ang tanong kasi ni Luis, sino ang nanay nina Crispin at Basilio sa isa sa mga sikat na nobela ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere.

Natatawang sagot ni Sheena, "Sasa" sa halip na "Sisa."

Tsika at Intriga

Same spot? Paulo sinagot intrigang magkasama sila ni Kim sa LA

Halo ang naging reaksiyon at komento rito ng mga netizen, lalo't ang Noli ay pinag-aaralan sa junior high school (kahit noon pang hindi pa K-12 o Matatag ang kurikulum) na nasa Grade 9, sa asignaturang Filipino.

Nanariwa tuloy sa mga netizen ang kontrobersyal na sagot ng isang housemate sa teen edition ng Pinoy Big Brother (PBB) noong (year) kung saan nagkaroon ng pa-history quiz si Robi Domingo.

Ang tanong ay patungkol sa tatlong paring martir na GOMBURZA subalit ang naisagot ng teen housemate ay MAJOHA.

MAKI-BALITA: Robi Domingo sa 'MAJOHA' ng PBB: "Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa"

Narito ang ilan sa mga kuda ng netizens:

"I know it's just for fun,... Pero asking the very simple question to the extent na nakapaggraduate ka na lahat2x di mo na alam yung simpleng sagot... Philippine history sa panahon ng Genz lubhang nanganganib.. Iba pa rin kc talaga ang libro kesa sa gadget at google..."

"Yan, puro kasi kayo batang quiapo na 8080 na kayo, kung nanuod kayo nuon ng Maria Clara at Ibarra sa GMA edi alam na alam nyo yan kahit di kayo nag aral dito sa Pilipinas.. mga 8080 talaga tiga ABS-CBN.."

"Epekto ng hindi nakapag aral."

"Iba na talaga ngayon maraming nagtatapos na walang alam."

"Bonus question na sa amin dati sa Filipino class namin sa high school kahit natutulog lang sa likod masasagutan yan. Isa pang bonus question mga anak nya. Maari mo ma mix up ibang minor characters both El noli at Fili pero Sisa is one of the memorable characters."

"Nakakatawa to pero seriously need natin ibalik na yung nga game shows na madami natutunan katulad ng Game Ka Na Ba, naalala ko sa PBB meron don yung MAJOHA daw yung tatlong pari na GomBurZa dapat."

"History history pa mag tiktok nlng kme.. sabi nung Genz Z na nagbibilang ng photocard ng Bini n galing sa jollibee."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sheena tungkol dito.