Niyanig ng magkasunod na magnitude 6.0 at 4.0 na lindol ang Northern Samar nitong Lunes ng umaga, Agosto 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang magnitude 6.0 lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 11:39 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 34 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Pambujan, Northern Samar, na may lalim na 10 kilometro.
Posible raw na magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahan ang pinsala mula rito.
Samantala, dakong 11:57 ng umaga naman nang yumanig ang magnitude 4.0, 29 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran din ng Pambujan.
May lalim din ang lindol na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsalang maidudulo ng naturang nahuling lindol sa lungsod.