December 24, 2024

Home SPORTS

‘Maka-Carlos Yulo kaya?’ Kilalanin ang 6 na pambato ng Pilipinas sa Paralympics 2024

‘Maka-Carlos Yulo kaya?’ Kilalanin ang 6 na pambato ng Pilipinas sa Paralympics 2024
Photo courtesy: Philippine Sports Commission

Anim na pambato ng Pilipinas ang magtatangkang mag-uwi ng gintong medalya sa darating na 2024 Paralympics na magsisimula sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8, 2024 sa Paris.

Kasama sa anim na paralympiads ang beteranong para swimmer na si Erwin Gawilan na muling susubukang makasisid ng medalya mula nang siya ay sumali noong Rio at Tokyo Olympics. Kinumpleto rin nina Angel Atom (para swimming), Jerrold Mangwilan (para athletics), Cendy Asusano (para athletics), Allain Keanu Ganapin (para taekwondo), at Augustuna Bantiloc (para archery) ang listahan ng mga Pinoy na kalahok sa Paralympics.

Ito ang kauna-unahang pagsali ni Asusano at Bantiloc Paralympics habang ito naman ang nagmimistulang pagbabalik ni Ganapin matapos nitong mag-positive sa Covid-19 testing bago pa lamang magsimula ang Tokyo Paralympics noong 2021.

Kasalukuyang nasa Paris ang Team Pilipinas kung saan muling masusubukan ang tibay ng atletang Pilipino.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kate Garcia