April 22, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Abra

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Abra
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Abra nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:51 ng madalign araw.

Namataan ang epicenter nito 1 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Villaviciosa, Abra, na may lalim na 13 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Vigan, ILOCOS SUR at Bangued, ABRA.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.