December 23, 2024

Home SPORTS

Levi Jung-Ruivivar, nasaktan dahil hindi naimbitahan sa Heroes' Welcome Parade

Levi Jung-Ruivivar, nasaktan dahil hindi naimbitahan sa Heroes' Welcome Parade
Photo Courtesy: Levi Jung-Ruivivar (IG)

Naglabas ng pahayag si Filipina gymnast Levi Jung-Ruivivar para tuldukan na umano ang mga tanong kung bakit wala raw siya sa ginanap na Heroes’ Welcome Parade para sa mga Pilipinong atletang lumaban sa Paris Olympics 2024. 

Sa Instagram post ni Levi nitong Lunes, Agosto 19, sinabi niya na hindi umano siya naabisuhan tungkol sa parada gayong hinahangad pa raw naman niyang makadalo.

“I truly wish from the bottom of my heart that I could have attended and been part of this event, but unfortunately I was never informed that I was invited or presented with the opportunity to go,” saad ni Levi.

Batay sa screenshot ng conversation nila ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, makikitang tinanong ni Levi si Cynthia tungkol sa parada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit ayon umano kay Cynthia, ang mga atletang nakakuha lang daw ng medalya ang imbitado. 

Sinubukan pang tiyakin ni Levi kung totoo ba ang sagot ni Cynthia dahil ang nakarating daw sa kaniya ay lahat umano ng atletang naglaro sa Olympics ay makakasama sa parada.

“I responded inquiring if that was in fact correct because I had heard all Olympians were invited. I never received a response or any further information. And I still haven't had any communication about it,” kuwento ng Filipina gymnast.

“The following week I was surprised when I saw all Filipino Olympians, except for me, Aleah, and Emma in Manila participating in a meeting with President BongBong Marcos and participating in a parade,” aniya.

Dagdag pa niya: “I was really hurt considering this was a once in a lifetime opportunity missed out on. I wanted to be part of the celebration with my fellow Olympians and to share in the excitement of the success of this Olympics with my country, the Philippines. “

Gayunman, sa kabila ng nangyari, nagpapasalamat daw si Levi sa mga natanggap niyang suporta at pagmamahal. 

Sa katunayan, nananabik daw siyang ipagpapatuloy ang laban sa larangan ng gymnastics bitbit ang pangalan ng Pilipinas.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Cynthia kaugnay sa nasabing isyu.