November 25, 2024

Home BALITA National

Class suspension sa NCR at Calabarzon dahil sa vog, pinahintulutan ng DepEd

Class suspension sa NCR at Calabarzon dahil sa vog, pinahintulutan ng DepEd
MB PHOTOS

Binigyan ng Department of Education (DepEd) ng awtorisasyon na magsuspinde ng face-to-face classes ang mga paaralan sa National Capital Region (NCR) at Region 4A (Calabarzon) na apektado ng volcanic smog (vog), hanggang sa panahong ligtas na para sa kanila ang bumalik sa mga paaralan.

Base sa DepEd Memorandum No. 046, series of 2024, na nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara at may petsang Agosto 19, 2024, pinahihintulutan ang mga apektadong paaralan na magsuspinde ng klase, sa kawalan ng opisyal na anunsiyo mula sa local government units (LGUs) sa kanilang lugar.

“In light of the recent eruption of Taal Volcano and the release of volcanic smog (vog) in the past 24 hours, the Department of Education (DepEd) is authorizing affected schools to suspend classes in the absence of an official announcement from the local government units,” anang memo.

Upang matiyak naman ang learning continuity sa mga apektadong lugar, inatasan rin ng DepEd ang mga paaralan na magpatupad ng alternative delivery modalities, gaya ng modular o online learning.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Samantala, ang desisyon upang alisin ang suspensiyon ay depende umano kung ligtas na ba para sa mga mag-aaral at mga guro na bumalik sa kani-kanilang paaralan.

“Concerned personnel are advised to stay updated through news and announcements from the Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs),” bahagi pa ng memo.

Sakali naman umanong magkaroon ng casualties gaya ng displacements, injuries, o iba pang insidente, na kinasasangkutan ng mga mag-aaral at mga guro, ang mga paaralan ay inaatasan na kaagad na magreport sa kanilang regional office, na siya namang magpapadala ng impormasyon sa Central Office ng DepEd, sa pamamagitan ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Service.

Nabatid na in-activate na rin naman ng DRRMS ang kanilang Rapid Assessment of Damages Report (RADAR) para sa nasabing hazard.

“DRRM Coordinators are required to report using the application,” anito pa.