Kumbinsido umano ang International Olympic Committee (IOC) na i-ban ang boxing category sa 2028 Los Angeles Olympics.
Kaugnay pa rin umano ito sa mga isyung kadikit ng International Boxing Association (IBA) matapos itong tanggalan ng karapatan ng IOC na hawakan ang Olympic boxing at tuluyang tanggalin sa olympic committee noong 2023.
Matapos ang halos isang taong pagkawala ng IBA sa olympics, hanggang ngayon ay wala pa ring pumapalit na ahensyang kakatawan sa olympic boxing. Matatandaang IOC ang kumatawan dito noong nakaraang Tokyo at Paris Olympics. Bunsod nito, nakatakdang hindi na isama ang boxing sa 2028 olympics.
Matatandaang nagsimula ang mga alegasyon sa IBA noong 2020 nang mailipat umano ang pamamahala nito sa Russia. Sinasabing malaki umano ang naging korapsyon sa ahensya nang biglaang mawala ang utang nitong $20 million na nag uugnay sa Gazprom. Lumaki ang isyu matapos ding suspindihin ng Russia ang Ukraine sa IBA sa kasagsagan ng giyera nito sa nasabing bansa.
Ayon sa IOC, hangga’t walang ahensyang pumapalit sa IBA mananatiling burado sa opisyal na listahan ang boxing sa 2028 Olympics.
Kate Garcia