December 23, 2024

Home BALITA

'Baseless, maliciously false!' Carpio pumalag sa pagkakasangkot sa shabu shipment

'Baseless, maliciously false!' Carpio pumalag sa pagkakasangkot sa shabu shipment

Inalmahan ng mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases "Mans" Carpio ang mga akusasyon ng dating Customs Intelligence Officer na si Jimmy Guban, na nagsasangkot sa kanila sa ₱6M shabu shipment noong 2018, kasama ang kapatid ng pangalawang pangulo na si Davao City Representative Paolo "Pulong" Duterte at former presidential economic adviser na si Michael Yang.

"Huwag ka matakot kasi sila Mans Carpio, Pulong Duterte at Michael Yang ang may-ari ng shipment," saad daw kay Guban ng isang Custom officer noong 2018.

Sa opisyal na pahayag, tinawag na "baseless and maliciously false" ni Carpio ang mga alegasyon at bintang na ibinato sa kanila ni Guban sa isinagawang Quad Com hearing sa Kamara noong Biyernes, Agosto 16.

Naniniwala umano si Carpio na ang mga bintang ni Guban ay "unmistakably politically motivated."

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"As a private citizen and a practicing lawyer, my sole concern is the welfare of my family and the diligent protection of my clients' rights and interests. It has always been my personal policy and guiding principle to remain entirely separate from politics or any government-related matters," bahagi ng kaniyang opisyal na pahayag.

Dagdag pa niya, "I have full confidence that the members of the Quad Com possess the discernment to distinguish between facts and fiction in Mr. Guban's narrative. Indeed, Mr. Guban himself unequivocally admitted before the Quad Com that he had fabricated the statements in the affidavits he submitted during the Senate inquiry and court proceedings."

"May the Supreme Being continue to bless and guide the Filipino people and our beloved nation, in the Philippines," aniya pa.

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN News ay sinabi ni VP Sara na hindi umano siya manghihimasok sa imbestigasyon ng Kamara patungkol sa nabanggit na shabu shipment, subalit naniniwala umano siyang "political harassment" at "political attacks" ang pagdawit sa kaniyang mister at kapatid sa ilegal na droga.

Photo courtesy: Atty. Manases R. Carpio

"Lahat ito ay political harassment, political attacks, ano naman, lumabas siya no'ng umalis ako sa DepEd. Lumabas siya no'ng nagsasalita na ako kung anong dapat ginagawa natin para sa ating bayan," aniya.

Sa nabanggit na panayam, inamin din ni VP Sara na alam niyang may mga umuugong na usapan na tila may nagsusulong daw na magkaroon ng impeachment para sa kaniya, batay sa mga sinasabi ng ilang kaibigan niya.

"Expected na natin 'yan dahil ahm, mainit nga, ang politika ngayon dito sa ating bayan," aniya.

MAKI-BALITA: Pagdawit sa mister, kapatid sa isyu ng droga isang 'harassment' sey ni VP Sara