November 25, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Aspin na tinawag na 'monster' noon, nagsisilbing 'angel' ng couple sa Makati ngayon

Aspin na tinawag na 'monster' noon, nagsisilbing 'angel' ng couple sa Makati ngayon
(Photo: MJ Salcedo/Balita)

“Monster dog” kung tawagin noon ang aspin na si Monmon habang pinagtatawanan at pinaglalaruan ng mga bata sa kalsada sa Cavite, ngunit sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ay na-rescue siya at nagsisilbi na ngayong “angel dog” ng mag-partner sa Makati City.

Sa eksklusibong panayam ng Balita ng couple na sina Kaye Macalinao, 34, at Ed Belen, 35, ibinahagi nilang siyam na taon na silang masayang nagsasama at wala silang anak. 

Hindi naman daw nila akalaing mas sasaya pa ang buhay nila dahil sa pagpapatuloy kay Monmon sa kanilang tahanan bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Kuwento ni Kaye, taong 2022 nang ampunin nila si Monmon sa isang adoption drive ng AKF sa Eastwood City.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

“Let’s call it serendipity kasi wala talaga akong balak mag-adopt that time. I was just there with a friend. Nakita lang namin ‘yung adoption drive, tumigil lang kami to look around. Si Monmon dala-dala siya ng volunteer. Lumapit lang siya sa’kin tapos nahiga na siya sa paa ko, na para bang sinasabi niyang: ‘Uy uwi mo na ako ha’,” kuwento ni Kaye.

Monmon daw ang pinangalan ng AKF sa aspin–pinaikling “monster dog” na tinatawag sa kaniya ng mga batang nakakakita noon sa kaniya sa kalsada matapos umano siyang tila abandonahin ng dati niyang fur parent.

“Noong may tumor pa ‘yung ulo niya, ang tawag sa kaniya ng mga bata doon ay monster dog. Doon siya na-rescue ng AKF noong 2021, and noong na-rescue siya, they shortened it to Monmon,” ani Kaye.

Matapos ma-rescue ng AKF, pina-chemo nila si Monmon dahil cancer daw pala ang nasa mukha niya nang mga panahong iyon. Nasa isang taon din ang ginugol ng AKF para magamot si Monmon hanggang sa maging clear na siya for adoption noong 2022, kung kailan naman siya nakita nina Kaye.

Completely blind daw si Monmon, pero hindi ito naging hadlang para malinaw niyang maipakita ang kaniyang purest love at loyalty sa kaniyang bagong fur parents na sina Kaye at Ed.

Sa katunayan, si Monmon daw ang first ever fur baby nilang mag-partner sa loob ng siyam na taong pagsasama nila. At mula nang ampunin nila ang aspin, mas naging matatag pa ang kanilang pagsasama. 

“Wala naman kaming relationship problems. Pero with the addition of Monmon, parang nagka-flavor at color ‘yung life ninyo kasi aside from just the two of you, may bago kayong maaasikaso,” ani Kaye.

Sa kanilang mag-partner, si Kaye raw ang talagang lumaking may pagmamahal at nag-aalaga ng mga aso. Si Ed kasi, hindi pa naranasang magkaroon ng aso bago dumating si Monmon.

“Wala kaming dogs growing up. Ayaw ng mom ko.  Actually takot ‘yung mom ko sa dogs. ‘Yung family ko takot sa dogs,” kuwento ni Ed.

Ngunit talagang mala-anghel daw kung dumating sa kanilang buhay si Monmon dahil ito rin ang nagturo sa mga magulang ni Ed para maging malapit sa mga aso.

Sa katunayan, kuwento ng mag-partner, tuwing dadalaw sa kanilang bahay ang mga magulang ni Ed ay may dala talaga ang mga itong pagkain para kay Monmon.

“No experience sila sa dogs, pero when Monmon came along, para bang may bata doon sa bahay,” pagbabahagi ni Kaye.

“Actually noong 60th birthday ng mama ni Ed. Nilutuan pa talaga si Monmon ng puto kasi mahilig siya sa puto. So, may sarili siyang bowl. Talagang very welcome and spoiled ‘yan,” dagdag niya.

Dahil napulot noon si Monmon sa kalsada, hindi raw nila nalaman ang eksakto niyang edad. Ngunit sa pagtantya ng beterinaryo nito ay nasa pitong taon na raw ngayon si Monmon.

Sa loob ng dalawang taon na ngayong kasama nina Kaye at Ed si Monmon, ibinahagi ng mag-partner na pinaramdam nito sa kanila na totoo ngang kapag pinakitaan mo ng pagmamahal ang mga aspin, higit pang pagmamahal ang ibibigay nila sa iyo.

“Yung joy na nadadala ng aso, wala ‘yan sa breed. With aspins, they are very loyal. Kapag minahal mo sila, mamahalin ka rin nila. That’s what we get from Mon. Dahil minamahal namin siya, talagang ramdam namin ‘yung loyalty and love niya sa amin,” ani Kaye.

“He wants us around. Nakakataba ng puso that there is a being that wants you around. So it doesn’t matter the breed. Nasa sa iyo ‘yun, sa pagmamahal mo doon sa aso,” saad pa niya.