November 22, 2024

Home BALITA

PBBM, mag-iinvest para sa mas marami pang 'Carlos Yulo'

PBBM, mag-iinvest para sa mas marami pang 'Carlos Yulo'
Photo courtesy: Noel Pabalate (MB)

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang credit rating upgrade na A-minus mula sa Japan-based Rating and Investment Information, sa kaniyang Facebook post.

Ayon sa kaniya, ito na raw ang pinakamataas na nakuha ng Pilipinas mula rito, patunay na malaki ang tiwala ng mga mamumuhunan sa sigla ng ekonomiya ng bansa.

Patunay raw ito na maraming dayuhang mamumuhunan ang nagtitiwala sa sigla ng ekonomiya ng bansa, at kung mas maraming mag-iinvest, mas marami raw magiging paraan upang mag-invest sa mga kagaya ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, o sa madaling sabi, sa mga atletang lumalaban at kinakatawan ang bansa sa iba't ibang sports competitions lalo na sa Olympics.

"This will help us bring down borrowing costs and secure cheap and affordable financing for the government, businesses and ordinary consumers."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Ibig sabihin, sa halip na gumastos tayo para sa pagbayad ng interes, magagamit natin ang matitipid na pera para sa iba't ibang pampublikong serbisyo gaya ng imprastraktura, healthcare facilities at pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral."

"This will help us invest more on our people – paving the way for more Carlos Yulo in the near future!" aniya.

Pangako ng Pangulo na patuloy siyang magtatrabaho para makinabang ang taumbayan sa upgrade na ito at tuluyan nang mawakasan ang kahirapan patungo sa Bagong Pilipinas.

MAKI-BALITA: Kumpiyansa ng mga investor sa sigla ng ekonomiya, ibinida ni PBBM