January 22, 2025

Home BALITA

Pagdawit sa mister, kapatid sa isyu ng droga isang 'harassment' sey ni VP Sara

Pagdawit sa mister, kapatid sa isyu ng droga isang 'harassment' sey ni VP Sara
Photo courtesy: Manases Carpio (FB)/Inday Sara Duterte (FB)/MB

Naniniwala umano si Vice President Sara Duterte na isang "political harassment" ang pandadawit sa pangalan ng kaniyang mister na si Atty. Mans Carpio at kapatid na si Davao City Representative Paolo "Pulong" Duterte sa isyu ng ₱6M shabu shipment noong 2018.

Matatandaang isiniwalat ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa isang pagdinig ng Kamara noong Biyernes, Agosto 16, ang pagkakasangkot umano nina Carpio at Duterte kasama pa si former presidential economic adviser Michael Yang sa nabanggit na ilegal na shipment. 

"Huwag ka matakot kasi sila Mans Carpio, Pulong Duterte at Michael Yang ang may-ari ng shipment," saad daw sa kaniya ng isang Custom officer noong 2018. 

Saad sa panayam ni VP Sara, naniniwala siyang political harassment lamang ito at may kinalaman pa rin sa away-politika.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Lahat ito ay political harassment, political attacks, ano naman, lumabas siya no'ng umalis ako sa DepEd. Lumabas siya no'ng nagsasalita na ako kung anong dapat ginagawa natin para sa ating bayan," aniya sa isang panayam, sa ulat ng ABS-CBN News.

Sa nabanggit na panayam, inamin din ni VP Sara na alam niyang may mga umuugong na usapan na tila may nagsusulong daw na magkaroon ng impeachment para sa kaniya, batay sa mga sinasabi ng ilang kaibigan niya.

"Expected na natin 'yan dahil ahm, mainit nga, ang politika ngayon dito sa ating bayan," aniya.