December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mariel, kinuyog matapos ibalandra 'tukaan' nila ni Robin

Mariel, kinuyog matapos ibalandra 'tukaan' nila ni Robin
Photo courtesy: Mariel Rodriguez-Padilla (FB)

Dinumog ng hateful comments ang Facebook post ng TV host-online personality na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos niyang ipakita ang larawan nila ng mister na si Sen. Robin Padilla habang magkalapat ang mga labi nila sa isang event.

Caption dito ni Mariel, "Oh ayan may consent yan ah."

Sa comment section, mababasang nagkomento rito ang mister.

"Hello babe I'm in heat (flame emojis)," saad ng senador.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Tugon naman ni Mariel, "It's a tie... 'I'm feeling hot hot hot."

Matatandaang umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang naging mga pahayag ng senador patungkol sa tanong niya kay Atty. Lorna Kapunan, na may kinalaman sa pagtatalik ng mag-asawa at kung kailangan pa ba ng consent ang mister sa kaniyang misis, kaugnay sa isyung marital rape na tinatalakay sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Padilla.

Nasabi kasi ni Padilla na naniniwala siyang may sexual rights ang mag-asawa sa isa't isa, at ano raw ba ang gagawin kung in heat ang isang lalaki at ayaw naman ng babae. Baka raw kasi magdulot pa ito ng pagkakasala gaya ng pambababae o higit pa.

Sagot ni Kapunan, "No means no." Ibaling na lamang daw ng lalaki sa ibang bagay ang kaniyang "urge" para hindi niya mapagsamantalahan ang kaniyang misis, dahil puwede kasing kasuhan ng isang misis ang kaniyang mister kapag pinilit siya nitong makipagtalik kahit ayaw niya.

Sa comment section naman ay pinaulanan ng masasakit na salita ng netizens ang mag-asawa.

"It’s a tie! Parehong bobo. Magpa counselling kayong dalawa, malala na yung pagiisip at ginagawa nyo pareho."

"Pakapon na ‘to pareho para ‘di na madagdagan lahi."

"My God. Ode kung kayo pareho kayong laging nasa mood at in heat, kayo yon. Hindi lahat ng mag-asawa ganon. Grabe ginawang katawa-tawa yung nararanasang abuse ng iba."

"Very disrespectful to all the victims of marital rape and sexual abuse within the confinement of one's home. Disgusting. Well, what do we expect from these moronic enablers? Kawawang Pilipinas."

"Mix and match yarn."

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Padilla sa mga naapektuhan sa kaniyang mga nasabi kaugnay sa kanilang hearing.

"Sa mga na offend po o Hindi nagustohan ang aming pagdinig patungkol sa marital rape. Mga kababayan paumanhin po," aniya sa kaniyang Facebook post. 

"Para din po sa inyong kaalaman ang aking committee po ay public information. Ito pong Commitee na ito sa matagal na panahon ay tulog, hindi po ito nagagamit ng tama kahit nasa constitution ang public information. Article III, Section 7 of the Constitution, which provides: 'The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized.'"

"Ang aking pong isinasagawang mga pagdinig, sa aking bawat hearing walang pinakamahalaga kundi ang pagtatanong upang makakuha ng information dahil ang commitee ko po ay commitee of public information."

"Kung kayo po ay well informed na po sa usapin ng marital rape malaki po ang inyong maitutulong."

"Pakı share pa po ang mga ibat ibang edit ng pagdinig na ito para lalong lumaganap at mainam na sumali po kayo sa pagpapalaganap ng family code of 1988 sa ating mga kababayan na hindi inabot."

"Tandaan po natin ang well informed na bayan ay progresibo."

MAKI-BALITA: In heat si Robin: Mariel sa tukaan nila ng mister, 'Oh ayan may consent yan ah!'