Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang credit rating upgrade na A-minus mula sa Japan-based Rating and Investment Information, sa kaniyang Facebook post.
Ayon sa kaniya, ito na raw ang pinakamataas na nakuha ng Pilipinas mula rito, patunay na malaki ang tiwala ng mga mamumuhunan sa sigla ng ekonomiya ng bansa.
Bongbong Marcos - Mga kababayan, ikinagagalak ko na muling... | Facebook
"Mga kababayan, ikinagagalak ko na muling mag-hatid ng magandang balita!" aniya.
"Kamakailan lamang, nakamit po natin ang credit rating upgrade na A-minus mula sa Rating and Investment Information – our highest rating to date."
"Nagpapatunay po ito na malakas ang kumpiyansa ng mga investor sa sigla ng ating ekonomiya."
"Ang upgrade na ito ay upgrade rin sa buhay ng bawat Pilipino."
"This will help us bring down borrowing costs and secure cheap and affordable financing for the government, businesses and ordinary consumers."
"Ibig sabihin, sa halip na gumastos tayo para sa pagbayad ng interes, magagamit natin ang matitipid na pera para sa iba't ibang pampublikong serbisyo gaya ng imprastraktura, healthcare facilities at pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral."
"This will help us invest more on our people – paving the way for more Carlos Yulo in the near future!"
Saad pa niya, "Ang patuloy na pagpapabuti ng ating credit rating ay maghahatid ng mas maraming investments at dagdag na negosyo sa ating bansa na magdadala ng maraming kalidad na trabaho at mas mataas na kita para sa bawat Pilipino.
"Bagama’t ito ang kauna-unahang credit rating upgrade ng aking administrasyon, hindi po tayo hihinto rito."
"We will keep giving our best to make sure that every Filipino benefits from economic growth until we break the cycle of poverty."
"Tuloy po ang laban para sa Bagong Pilipinas!"
Makikita rin ang magandang balita sa Presidential Communications Office official Facebook page.
! The Philippines... - Presidential Communications Office | Facebook