Ibinahagi ng partner ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang Facebook post ng partner ng Filipino boxer Hergie Bacyagan na si Lady Denily Digo patungkol sa pagkakaroon ng jowang atleta.
Mababasa sa Facebook page na "Hergie & Lady" na hindi raw madali ang maging partner ng isang atleta. Marami raw kasing nagsasabing pera lang ang habol sa kanila, o kaya naman, sila ang dahilan kung bakit natatalo sa laban ang atleta dahil nahahati ang oras para sa love life.
“'Pera lang habol niyan'”
"'Kasalanan mo kasi kaya natalo eh'"
"Una’t sa lahat, di po marami ang pera ng atleta ng Pilipinas Kelangan po nila maka-medal para magkaron ng medyo disenteng allowance. Kulang pa po para sa mga supplements, proteins & nutritious food na need nila monthly. If magkaron man po sila ng incentives, di naman din po ganon kalakihan unless world competition yan just like Olympics. Pero dekada ang kelangan mo bago ka makarating sa Olympics " aniya.
Naniniwala si Lady na malaki ang gampanin ng partner o jowa ng mga atleta upang mas mapalakas pa nila ang kanilang psychological support.
"Andiyan suporta sa trainings from coaches & NSA para lumakas ang katawan nila at mas gumaling sila sa skills nila. Pero wala po silang psychological support para mas maging mentally strong & emotionally prepared sila sa bawat laban. Kaya partner po nila ang in-charged diyan "
"One thing that is very challenging is the emotional rollercoaster ng bawat atleta. Yung highs of victories at yung lows of defeats may impact yan samen mga partners. Pero we need to act strong kasi di kame pwede maging mahina sa harap ng mga partners namen, kasi samen sila humugot ng tapang."
"Essential ang role namen bilang partner because their body should be as strong as their mind and this requires a strong support system coming from their partners."
"Demanding din ang schedule ng mga athletes, minsan birthday, pasko or anniversary, wala sila kasi bakbak sila sa training. So madalas, mag isa kame sa mga lakad at mga importanteng okasyon."
"Another is, wala po ginagastos ang PSC sa mga partners ng atleta. Sariling pera po namen ginagastos namen, kaya kelangan din namen kumayod ng sarili nameng pera para makasama at makasuporta kame sa mga partner namen. Imagine, plane ticket, hotel/airbnb at food pa namen, kahit nga po ticket sa Olympic game nila own expense din namen."
"Hahaha wala naman ako pinaglalaban, naawa lang ako sa mga partners na nahuhusgahan "
"Marami sakripisyo, haba ng pasensya at matinding suporta ang binibigay namen sa mga partner namen na atleta, Kaya wag kayong judgemental."
Hergie & Lady - BEING A PARTNER OF AN ATHLETE IS NOT EASY! “Pera... | Facebook
Ibinahagi naman ito ni Chloe sa kaniyang Facebook post.
"couldn't be more accurate, thank you for this ate Hergie & Lady," caption ni Chloe.
couldn't be more accurate, thank you... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook
Matatandaang binabatikos si Chloe ng netizen at sinasabihang kinukuha niya ang spotlight ng jowa.
MAKI-BALITA: Chloe San Jose nanupalpal; 'di pabida, mang-aagaw ng spotlight ng jowa
Bagay na pinalagan ni Chloe at sinabi niyang siya na mismo ang nagde-decline o tumatanggi sa mga alok na panayam sa kaniya.
MAKI-BALITA: Chloe San Jose, harap-harapang tinanggihan ambush interview ni Mariz Umali