Ibinahagi ni Filipino gymnast at two-time gold Olympic gold medalist Carlos Yulo ang goal niya sa darating na 2028 Olympics.
Sa ginanap na press conference kamakailan, sinabi ni Yulo na target niya raw makakuha ng medal sa individual-all around category.
“Of course po, I have to work po to my another plan po kasi magbabago po ‘yong rules and kailangan kong maka-adapt sa gano’ng rules. Gusto ko this time po ang target ko na maka-medal po sa individual po talaga this time,” saad ni Yulo.
“Kasi ngayon po nalaman ko na medyo malayo pa pala ako sa pang-individual all around. More on floor vault talaga ‘yong malakas ko po…pero still target ko pa rin po na makapag-medal sa floor vault,” wika niya.
Dagdag pa niya: “And syempre ang next na ultimate goal ko po sa all-around po talaga makapag-medal po.”
Matatandaang tig-isang gintong medalya ang nasungkit ni Yulo sa vault finals at floor exercises ng men's artistic gymnastics sa ginanap na 2024 Paris Olympics.
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, matagal pinagdasal ang gintong medalya sa Olympics
MAKI-BALITA: The Golden Boy: Si Carlos Yulo at kaniyang dalawang gintong medalya