January 22, 2025

Home BALITA National

Apo ni Ninoy Aquino, dismayado matapos ilipat sa ibang araw ang Ninoy Aquino Day

Apo ni Ninoy Aquino, dismayado matapos ilipat sa ibang araw ang Ninoy Aquino Day
Photo Courtesy: Ninoy and Cory Aquino Foundation (FB)

Naghayag ng pagkadismaya ang apo ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. na si Kiko Dee matapos ilipat sa ibang araw ang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ng kaniyang lolo.


Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, sinabi ni Kiko na hindi umano maalis sa isip niya na tila may pattern umano ang ginagawang paglilipat sa mahahalagang petsa tulad nito.

"Hindi naman nawawala sa isip ko na parang may pattern yatang lumalabas. 'Yong EDSA nilipat tapos itong Ninoy Aquino Day, siyempre concerned ako doon,” saad ni Kiko.

Kaya naman hiniling niya na alalahanin sana ng taumbayan ang makasaysayang araw na ito kung kailan pinaslang ang dating senador.

Aniya: "Sana itong August 21— holiday man o hindi —alalahanin natin 'yon po 'yong araw na pinaslang po siya at isang madilim na araw para sa ating bayan. 'Yon din naging mitsa ng pagbagsak ng diktadurya, sana maalala ng tao."
National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?


Bilang paggunita sa nasabing araw, nakatakda umanong dumalo ang pamilya niya sa gaganaping misa sa Concepcion, Tarlac sa darating na Agosto 21, 7:00 ng umaga.

Matatandaang naglabas din ng pahayag ang pamilya Aquino hinggil sa paglilipat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21 patungong Agosto 23 alinsunod sa Proclamation No. 665.