December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Willie binigyan ng gold jacket si Caloy; may mensahe sa pamilya

Willie binigyan ng gold jacket si Caloy; may mensahe sa pamilya
Photo courtesy: Wil To Win (FB)

Bumisita si two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo sa programang "Wil To Win" ni Willie Revillame upang magpasalamat sa mga sumusuporta sa kaniya.

Mismong si Willie ang nag-abot sa kaniya ng jacket na kulay-gold na may nakatatak na logo ng show at pangalan niya.

Wil To Win - Golden groupfies with the Philippines’ Golden Boy,... | Facebook

Trademark na ni Willie ang pamamahagi ng jacket sa kaniyang studio contestants, o sa kung sinuman ang bet niyang bigyan mula sa studio audience o celebrities na bumibisita sa kaniyang mga nagdaang programa, na ang huli nga ay "Wowowin" sa GMA Network at ALLTV.

Tsika at Intriga

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

Tuwang-tuwa naman sina Willie at Caloy para sa isa't isa matapos silang magkaharap. Panay ang puri at pasasalamat ni Willie sa atleta dahil sa karangalang binitbit nito para sa buong Pilipinas.

Natanong ni Willie si Caloy kung sino ang mga inspirasyon sa buhay niya ngayon.

Sagot ni Carlos, unang-una raw ay ang Panginoon na nagbuhos ng talento, lakas, at paggabay sa kaniya. Ramdam daw niya ang blessing sa kaniya ni Lord noon pa man, na hindi siya iniiwan sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.

Sumunod ay pinasalamatan niya ang pamilya at ang partner niyang si Chloe San Jose na nakatulong daw sa kaniyang well-being at mental health, sa training man at sa aktuwal na kompetisyon. Special shoutout din ang presidente ng gymnastics association sa Pilipinas na si Cynthia Carreon.

Mapapansing maingat sa pagsasalita si Carlos at hindi na nagbanggit ng mga pangalan, lalo na sa kaniyang partner, na inuulan ng kontrobersiya simula nang manalo si Caloy ng unang gintong medalya sa Olympics.

Hiniritan din siya ni Willie na magbigay na lamang ng mensahe sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay," aniya.

"Naaalagaan hindi lang bilang atleta, bilang tao na rin po. Wala po akong masabi kundi pasasalamat. Thank you sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko po alam, ito po yung naging resulta ng pagsusuporta nila. Maraming salamat po."

Matatandaang hanggang sa pagsalubong sa Filipino Olympians, seremonya sa Malacañang, at parada sa Maynila ay kinukuwestyon ng mga netizen kung bakit wala ang pamilya ni Caloy, na eventually, sabi sa panayam sa lolo niyang si Rodrigo Frisco, ay sinabihan daw silang huwag nang magpunta.

MAKI-BALITA: 'Sino nag-utos?' Pamilya ni Carlos Yulo hinarang, 'di pinayagang sumama sa salubong

Naispatan naman ang tatay ni Caloy na si Mark Andrew Yulo na tila isang fan na kumakaway sa anak habang nasa parada. Napansin naman siya ng anak at sinaluduhan.