November 10, 2024

Home BALITA Internasyonal

Philippine Embassy, agarang pinalilikas mga Pinoy mula sa Lebanon

Philippine Embassy, agarang pinalilikas mga Pinoy mula sa Lebanon
Photo Courtesy: Philippine Embassy in Lebanon (FB), Freepik

Naglabas ng abiso ang Philippine Embassy in Lebanon para hikayatin ang mga Pilipino na agarang lisanin ang nasabing bansa.

Sa Facebook post ng nasabing embahada nitong Sabado, Agosto 17, pinayuhan nila ang lahat ng Filipino nationals na unahin ang kaligtasan.

“Pinapayuhan namin ang lahat ng Filipino nationals na unahin ang kanilang kaligtasan at umalis sa bansa sa lalong madaling panahon,” saad ng embahada.

Dagdag pa niya: “Kung hindi kayo makakaalis ng Lebanon, mahigpit naming inirerekomenda na lumikas kayo sa mas ligtas na mga lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, Bekaa Valley.” 

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Samantala, para naman umano sa tulong na repatriation assistance, maaring punan ang repatriation form sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/2024Repatriation

Bukod dito, puwede rin umanong makipag-ugnayan para sa iba pang dagdag na tulong sa mga sumusunod na numero sa ibaba:

* Para sa lahat ng OFWs (dokumentado o hindi dokumenteda): +961 79110729

* Para sa OFs (Dependents na may Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086

Matatandaan kasing sa mga nakalipas na linggo ay lalong umigting ang tensyon sa pagitan ng Lebanon-based Hezbollah at Israel matapos tumama ang mapaminsalang rocket sa Golan Heights.