January 22, 2025

Home BALITA National

Pamilya Aquino, nagsalita matapos ilipat sa ibang araw ang Ninoy Aquino Day

Pamilya Aquino, nagsalita matapos ilipat sa ibang araw ang Ninoy Aquino Day
Photo Courtesy: Ninoy and Cory Aquino Foundation, Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng pahayag ang pamilya Aquino matapos ilipat sa ibang araw ang paggunita sa kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino, Jr.

Sa nasabing pahayag, hindi umano mabubura ang katotohanang namatay si Ninoy na nakipaglaban para sa bayan kahit pa ilipat sa ibang araw ang paggunita sa kamatayan nito.

“Moving a day of commemoration will not diminish the fact Ninoy died fighting for the country and the people he so loved and his death sparked a revolution that ended Marcos, Sr.’s authoritarian rule,” saad nila.

Matatandaang mula Miyerkules, Agosto 21, ay inilipat patungong Biyernes, Agosto 23, ang Ninoy Aquino Day alinsunod sa Proclamation No. 665.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Idinideklarang holiday ang Agosto 21 kada taon bilang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983.

BASAHIN: BALITAnaw: Si Ninoy Aquino at ang pagsiklab ng EDSA 1