Nagpasalamat ang GMA news anchor na si Arnold Clavio sa sports occupational therapist ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Coach Hazel Calawod matapos siyang bigyan ng ilang tips para sa kaniyang rehabilitasyon.
Matatandaang kababalik lamang ni Igan sa pagbabalita matapos maospital dahil sa hemorrhagic stroke na kaniya namang nalampasan at naagapan.
Ibinahagi ni Igan sa kaniyang Instagram post ang video ng kaunting session niya kay Coach Hazel, nang bumisita ito sa morning show na "Unang Hirit."
Ani Clavio, nagpapasalamat siya sa tips ng coach; at least daw ay nahawakan siya ng therapist ni Golden Boy.
"Thank you @hazel_calawod for the simple tips on how to improve my rehabilitation . At least nahawakan ako ng occupational therapist ni @c_edrielzxs , ang ating two time gold medalist sa 2024 Paris Olympics. Salamat," aniya.
Kapansin-pansing naka-limit lamang ang puwedeng magkomento sa comment section ng post.
Bukod sa pagiging Australian-licensed at sports occupational therapist, si Hazel ay eksperto rin pagdating sa mental health, neuroscience, at wellness dahil sa pagiging mind coach. Siya rin ay isang Harvard-certified Human Factors Specialist at mahusay sa social relationships.
Nagtapos siya ng degree program na Occupational Therapy sa University of the Philippines (UP) at kumuha ng Ergonomics and Human Factor sa Harvard University.
MAKI-BALITA: Golden hair din! Isa pang babae sa likod ng tagumpay ni Carlos Yulo, pinusuan
MAKI-BALITA: Ano-ano nga ba mga tinutukan ni Coach Hazel kay Caloy?