December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Guests, parang namalengke na: Souvenir sa kasal, mga bagong pitas na gulay at prutas

Guests, parang namalengke na: Souvenir sa kasal, mga bagong pitas na gulay at prutas

Pinusuan ng mga netizen ang post sa official Facebook page ng isang event planner matapos niyang i-flex ang unique subalit praktikal na souvenir ng kliyenteng bagong kasal para sa kanilang mga bisita.

Mga sariwa at bagong pitas na prutas at gulay ang naisipang ipamahagi ng mag-asawang Niño Basco at Yanna Ferrera sa kanilang mga panauhin na sumaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayon sa post ng MC event, mismong ang groom ang nag-harvest o umani ng nabanggit na giveaways na mula sa kaniyang mga pananim sa bukirin sa Laguna.

"Niño (Groom) and Yanna (Bride) conceptualized a unique giveaways for their guests at their wedding by having a Love Store/ Free Store. The guests were free to get some fruits and vegetables which are actually harvested by the groom himself, from his farm in Laguna," mababasa rito.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Ibinahagi rin sa post ang mga prutas at gulay na kanilang giveaways kagaya ng rambutan, sitaw, beans, talong, okra, upo, patola, ampalaya, buko, sibuyas, bawang, pipino, dahon ng sibuyas, at siling labuyo.

May label naman sa bawat gulay at prutas kung ilang piraso lamang ang puwedeng kunin kada bisita.

Sa panayam ng isang lokal na pahayagan sa groom, ginusto raw nila ng bride na mapapakinabangan ng mga bisita ang kanilang giveaways. Ayaw daw kasi nila ng souvenirs na itatambak lang sa mga bahay nila, aagiwin, masisira, o hindi naman mapapakinabangan.

Tatlo hanggang limang buwan bago ang kasal ay tiniyak ni Niño na nakatanim na raw siya para aanihin na lamang ilang araw bago ang kasal. Pero aminado ang groom na hindi naman lahat ay mula sa pananim dahil ang ilan daw ay hindi namunga.

Tuwang-tuwa raw ang mga panauhin nila at nagpadala agad ng mensahe sa kanila na agad nilang nagamit sa pagluluto ang mga "napamalengke."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"mas tama toh.kesa mga give away na di napapakinabangan"

"Very demure.. very mindful.. very considerate.. very community minded"

"Mukhang mas nakatipid nga sila sa souvenir pa lang. Good idea!"

"Very practical sa maaaahaaal ng gulay sa Pilipinas!"