Ibinahagi ng Kapamilya star na si Francine Diaz ang insecurities na kinakaharap niya dahil sa kaniyang physical appearance.
Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Agosto 16, sinabi ni Francine na mukha raw ang numero uno niyang insecurities.
“Kasi ever since, lagi nilang sinasabi na 'Oh my gosh, siopao' and 'Ang laki ng panga mo,'” kuwento ni Francine.
"So before when I was a kid, I thought I looked cute because of course my family would say, 'Hindi, okay lang yan, ang cute nga e, parang chubby, you look good, you look pretty,’” dugtong pa niya.
Pero nang makapasok umano siya sa showbiz, tila pinagdudahan na niya ang mga papuring natatanggap sa katangian ng kaniyang mukha.
Ayon sa kaniya: "No’ng nag start na ako ngayon, like habang lumalaki ako, nagdadalaga uhm, I always hear a lot of people saying na 'Oh my gosh, mukha siyang siopao,' or 'Ang laki ng panga niya.’”
“Kahit harapan, people na hindi ko kilala, they always say that to me in front of my face. And then I just always smile and laugh. Pero deep inside nakaka-hurt because I thought parang isa siya sa mga beauty ko nung bata ako," wika ng aktres.
Gayunman, habang lumalaki, napagtanto umano ni Francine na bagama’t hindi umano siya looking good, hindi rin naman masasabing pangit siya. Kumbaga, sakto lang.
"And it doesn’t matter naman kung ano iniisip nila sa itsura ko, and kung ganon tingin nila, wala akong magagawa,” aniya.
Kaya ang payo niya sa mga tulad niyang nakakaranas masabihan ng kung ano-ano tungkol sa mukha nila o katawan, huwag na lang daw pansinin o pakinggan. Unahin dapat ang self-love.