December 22, 2024

Home SPORTS

Ano-ano nga ba mga tinutukan ni Coach Hazel kay Caloy?

Ano-ano nga ba mga tinutukan ni Coach Hazel kay Caloy?
Photo courtesy: Hazel Calawod (IG)/via Celebrity Random Updates (FB)

Matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at magkamit ng karangalan, paghanga, at umaapaw na rewards at cash incentives ay naging interesado ang mga tao kung sino-sino nga ba ang mga taong nasa likod ng tagumpay ni "Golden Boy" Carlos Yulo, lalo na ang trainers at coaches niya.

Nakamit ni Caloy ang dalawang gintong medalya sa men's artistic gymnastics category, para sa men's floor at men's vault.

Isa sa mga nakapukaw ng atensyon sa publiko ay ang magandang sports occupational therapist ni Caloy na si Coach Lyn Hazel Calawod. 

Kung single nga lang daw si Caloy ay bagay raw sana sila ni Coach Hazel lalo't single din ito, pero hindi na nga raw puwede dahil kilala ng lahat ang girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, sinagot isyung nagseselos kay Coach Hazel Calawod

Sa panayam ng morning talk show na "Unang Hirit" ay sinabi ni Coach Hazel kung ano-ano ang mga bagay na tinutukan niya kay Caloy. Hindi lang pala physical strength ang binantayan niya kundi ang holistic aspect ng atleta, lalo na pagdating sa mental state nito.

Kailangan daw kasing nasa wastong estado ang lahat ng aspeto ng isang atleta bago sumabak sa training at sa aktuwal na game, upang nakapokus lamang siya sa kaniyang goal.

Madali raw i-absorb ni Caloy ang mga itinururo sa kaniya at nagagawa kaagad, at sa execution naman ay agad na ibinibigay ang best niya.

"Sobrang mabilis po siyang mag-absorb ng lessons," ani Hazel.

“The moment na sabihin mo sa kaniya, magko-concentrate siya, ‘tapos ita-try niya 'yong best niya na gawin agad.”

Sa tuwing nasa training daw sila ay mino-motivate niya ang trainee na nagawa na niya ang mga dapat gawin sa iba pang kompetisyon na kaniyang nilahukan; kaya ang dapat lamang gawin ay ulitin o i-replicate iyon.

Kaya naman, masayang-masaya raw siya sa naging achievement ni Caloy dahil nagbunga raw ang kanilang paghihirap at pagsisikap.

Nagtapos si Coach Hazel ng kursong Occupational Therapy sa University of the Philippines (UP). 

Kumuha rin siya ng kurso sa Ergonomics and Human Factor sa Harvard University.

"As an occupational therapist, I just don't delve into the physical aspect of the person, I am also equipped with knowledge about the brain," ani Hazel.

MAKI-BALITA: Golden hair din! Isa pang babae sa likod ng tagumpay ni Carlos Yulo, pinusuan