November 25, 2024

Home BALITA National

AKF, pinangunahan pagdiriwang ng 'National Aspin Day' sa Eastwood

AKF, pinangunahan pagdiriwang ng 'National Aspin Day' sa Eastwood
Photo: MJ Salcedo/Balita

Pinangunahan ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang pagdiriwang ng National Aspin Day sa Eastwood City, Quezon City ngayong Sabado, Agosto 17.

Naging highlight sa naturang pagdiriwang ang adoption drive ng AKF kung saan 11 aso at dalawang pusa ang kanilang pinaampon. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ng admin officer ng AKF na si Loriet Visto na talagang nagsasagawa raw sila ng mga adoption drive dahil upang mabigyan ng bagong buhay ang mga nare-rescue nilang mga hayop.

“Alam naman natin itong mga aspin, sila ‘yung nagiging victim ng animal cruelty at ng dog meat trade. Dito sa AKF, kami mismo ‘yung nagliligtas ng mga aso sa dog meat trade, so pinapa-adopt natin sila afterwards. Binibigyan natin sila ng bagong buhay. Masaya para sa akin na nakakapagpa-adopt tayo,” ani Visto.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Dagdag ni Visto, kailangan na rin daw nilang magpa-adopt dahil puno na rin daw ang kanilang shelter sa dami ng kanilang mga nare-rescue na mga hayop.

“Sa shelter namin, currently, nasa 300 aso at pusa, so kaya rin kami nagpapa-adopt ngayon kasi gusto namin na magkaroon ng free space, dahil puno na kami. Talagang hindi na namin kaya,” ani Visto.

“So kung makakapagpa-adopt tayo, maipa-adopt natin sila lahat, then we have another 15 spots for rescuing,” dagdag niya.

Kaugnay nito, ibinahagi naman ng isa sa mga nag-adopt ng fur babies na si Lorena Cruz, 51, mula sa Pasay City, na talagang dinayo pa nila ang Eastwood upang ampunin ang dalawang asong sina Percy at Basti para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay mula sa sinapit nilang hirap sa dog meat trade bago ma-rescue ng AKF.

“I felt that these dogs deserve a second chance at life, kaya talagang naglakas loob na ako to file for adoption.” saad ni Cruz.

Ayon kay Visto, sa pagtatapos ng adoption drive ay walo matagumpay na na-adopt habang pito ang kasama nilang umuwi sa shelter.

Bukod naman sa adoption drive, isinagawa rin sa naturang event ang “Wellness Woof” workshop ng AKF, pet vaccination ng Quezon City Veterinary Department, at “Paw and Paint” ng Silaw Art Space.