November 25, 2024

Home BALITA National

'To serve the people,' pakay ni Chel Diokno sa pagtakbo bilang senador sa 2025

'To serve the people,' pakay ni Chel Diokno sa pagtakbo bilang senador sa 2025
Atty. Chel Diokno (MB file photo)

Ipinahayag ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno na tatakbo siya bilang senador sa 2025 kasama sina dating Senador Kiko Pangilinan at dating Senador Bam Aquino dahil sa isang layunin: ang pagsilbihan ang taumbayan.

Nitong Biyernes, Agosto 16, nang ideklara nina Diokno, Pangilinan at Aquino ang kanilang kandidatura sa pagka-senador sa 2025 midterm elections sa isinagawang press conference sa Cebu City, kung sana nakasama ang kaalyadong si Senador Risa Hontiveros.

MAKI-BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025

Sa naturang press conference ay binanggit ni Diokno na kulang na kulang umano ang pamamahala ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno, maliban kay Hontiveros, pagdating sa mahahalagang isyu ng bansa.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“We have seen how there is so much room for improvement in terms of our government, on how they are functioning for our people,” ani Diokno.

“Nakikita naman po natin na ‘yung ability ng ating pamahalaan na ayusin ‘yung mga problema ng mga ordinaryong mamamayan, ‘yung problema natin sa sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ‘yung problema natin sa krisis sa edukasyon, ‘yung access natin sa affordable health care, ‘yung problema din natin sa trabaho, kitang kita naman natin na kulang na kulang ang pamamahala na ganiyan. Kaya, for me, we have a great opportunity that we must take advantage of in 2025,” dagdag niya.

Ayon pa sa human rights lawyer, sa tingin daw niya ay naghahanap pa ang mga tao ng alternatibo na mas makapagsisilbi sa kanila.

“Sa tingin ko our people are looking for an alternative. Meron silang hinahanap na hindi nila nakikita sa kasalukuyang nakaupo, maliban lang kay Sen. Risa Hontiveros,” giit ni Diokno.

“Kami po, we are offering ourselves as that alternative, because we are here only for one purpose. And that is to serve the people,” saad pa niya.

Bukod sa pagiging human rights lawyer at advocate, isa ring edukador si Diokno, kung saan siya ang tumayong Founding Dean na De La Salle College of Law.