September 21, 2024

Home BALITA National

Taga-Laguna, wagi ng 19.6M sa Lotto 6/42

Taga-Laguna, wagi ng <b>₱</b>19.6M sa Lotto 6/42
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Isang taga-Laguna ang solong nakapag-uwi ng ₱19.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nahulaan ng lotto winner ang winning combination na 21-11--30-16-19-03 kaya’t naiuwi niya ang katumbas na jackpot prize na ₱19,630,380.

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa lotto outlet sa Rizal Avenue, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa PCSO, maaaring kubrahin ng lucky winner ang kanyang premyo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kailangan lamang umano nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Pinaalalahananan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang lucky winner na ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law habang ang lahat ng premyong hindi makukubra, isang taon mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataon na maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.