January 15, 2025

Home BALITA National

Habagat, patuloy na humihina; nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon

Habagat, patuloy na humihina; nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy na humihina ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat, kung saan kasalukuyan na lamang itong nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Agosto 16.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang magdadala ang localized thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).