December 23, 2024

Home BALITA Probinsya

Fire truck na ginamit pang-refill ng swimming pool, iimbestigahan —Abalos

Fire truck na ginamit pang-refill ng swimming pool, iimbestigahan —Abalos
Photo Courtesy: Benhur Abalos, Taytay Updates (FB)

Nagbigay ng reaksyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos kaugnay sa pampublikong fire truck na ginagamit umanong pang-refill ng swimming pool sa isang pribadong bahay.

Nagmula ang nasabing reklamo mula sa post ng Facebook page  na “Taytay Updates” kung saan makikita ang larawan ng pampublikong fire truck na nasa harap ng pribadong bahay.

“Grabe naman! Pampublikong fire truck, ginagamit pang-refill ng swimming pool sa pribadong bahay!

Ano na, mga kababayan?!Sino ang VIP na ito na nakatira sa Maharlika Village, Taytay Rizal?” saad ng uploader.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dagdag pa nito: “Paano na tayo kapag may sunog? Iba na talaga ang nagagawa ng impluwensya at pera!”

Pero ayon kay Abalos, ipinag-utos na raw ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Aniya: “Ipinag-utos natin ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidenteng ito at kung maaari ay i-relieve hepe upang magbigay daan sa imbestigasyon.”

Sa huli, tiniyak ng kalihim na lagi umano handa ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lahat ng posibleng sakuna na dumating.

Bukod dito, kinondena niya rin ang maling paggamit sa mga resources ng gobyerno para sa personal na interes tulad ng paggamit sa fire truck upang masalinan ang isang pribadong swimming pool.