Ipinahayag ni dating Senador Bam Aquino na tatakbo siya, kasama sina dating Senador Kiko Pangilinan at Atty. Chel Diokno, bilang senador sa midterm elections upang ipaglaban ang Pilipinas.
Sinabi ito ni Aquino sa isinagawang press conference sa Cebu City nitong Biyernes, Agosto 16, kung saan nakasama ng tatlong senatorial bets si Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay Aquino, sasamahan nila si Hontiveros sa pagsusulong sa Senado ng mga batas na mas kailangan ng mga mamamayan ng bansa.
“We will fight for this country. Magiging boses tayo ng mga walang boses sa Senado,” ani Aquino.
“At ‘yung mga talagang mahalaga sa taumbayan, ‘yun ‘yung isusulong natin. ‘Yun ‘yung ipaglalaban natin. Dahil alam po nating marami sa mga isyu ngayon, hindi po nabibigyan ng tamang pansin. At ‘yung grupo pong ito, kahit hindi po madali ang laban na ito, gagawin po namin ‘yan. At lalaban kami kasama ninyo at para po sa inyo,” saad pa niya.
Matatandaang naging senador si Aquino mula 2013 hanggang 2019.
KAUGNAY NA BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025